Ang kotong ay nabubuhay mula sa pinakamababa hanggang sa pinakamataas na antas ng lipunan. Pinakanakakalungkot sa akin ay pag ang isang mahirap nangongotong sa isa pang mas mahirap sa kanya -- kahit na siguro ito ay katumbas lang ng pangongotong ng isang mataas na opisyal sa kanyang nasasakupan...
Wednesday, March 4, 2009
Tuesday, January 20, 2009
Direktor
Apat lang ang direktor ko ngayon. Iba-ibang anyo, iba-ibang katauhan. Merong hands-on, may hindi. May maluwag, may mahigpit. Ginawan ko ng matrix table:
____________________________________________________
Hands-on May assistant
Maluwag Laging Umaasang Makita Cia Palagi Cang May Casama
Mahigpit Qung Mamahalin Mo Co Ang Rason May Minamahal Ca
____________________________________________________
Oks ba, hehehe :)

Why is food like time?
I surveyed a family of 5 regarding their opinion on how food can be likened to time. Names are encoded to protect the family's true identity.
Martha Stewart - Because it expires. (it took me some time to realize valid answer pala ito)
Mike Hanopol - Because when consumed you cannot bring it back. (considering na kamukha niya ang answer ni Martha Stewart, this must be a mature way of thinking)
Billy Joe Crawford - Because it's gold. (as in King Midas gold?!?)
Vanessa Hudgens - Because without it there is no life... (deep!)
Jolina Magdanagal - Because it waits for no one.

Thursday, September 18, 2008
Spiderman (or woman)
I stared at a brown spider. It turned 45 degrees towards me and stared back. What can I say? What a brave creature!
Tuesday, December 18, 2007
Mga Mukha ng Buhay
Luha, tawanan;/ Apoy, at yebe;/ Ulan, at araw;/ Hirap, kasiyahan;/ Buhay ay sadyang/ Pana-panahon lang.
Friday, March 9, 2007
Ang Hapdi sa Dibdib
I.
Ang masasayang araw ng kabataa'y tiyak na lipas na,/ Ang paglalakad sa panaginip ay di na maibabalik;/ Nagtapos na ang panahon ng kawalang pag-aalala,/ Pananaw ko sa mundo nagtila bagang puro pasakit!
II.
Unti-unting nabura idealismo sa aking isipan,/ Pinalitan ng mga pinagdaanan kong karanasan;/ Sa wari noon, bulong ng kalikasa'y pangako,/ Nguni't pinanaligang bukas pala'y puro pagkabigo!
III.
Kaya siguro pananampalataya ko ay nanghina,/ Masakit kung iisipin nadarama ko'y pagtataksil;/ Nguni't magtatag ka -- hindi kabutihan ang nagkasala,/ Pangako ay Pag-ibig, di ang kawalan ng paniniil.

***
Friday, March 3, 2006
Ode to Ms Ming
Because you are going/ On the 30th/ IB will be missing/ Yet another juliet/ And to some students/ Anxiety shall be left/ --Of bonus quizzes,/ Early dismissals/ Shall we be bereft?/ Yet to friends that must leave/ Our good-byes we shall give/ And wishes of good fare/ And then to God our prayer/ That melodies will oft be heard so soft/ To keep her spirit always on the wind aloft.
Saturday, December 31, 2005
Pamana (Isang Awitin)
I
Nuon ang buhay ng Pilipino’y kay simple lang
Alipin man, malaya man, o maharlika
Ang pagtutulungan, natural sa Pinoy ‘yan
Saan ka nga naman makakakita
Bayaniha’y di ba’t kay ganda?
Ngunit 300 taon sa dayuha’y napaalipin
Tila ba nagulo ang pagkamalay natin
Kultura ng iba’y niyakap at sinarili
Bumaba ang pagtingin sa kanyang lahi
Koro
Kapatid mo’y nakalimutan
Binayaang malugmok sa kahirapan
Para saan pa
May hahatnan pa ba
Kung magpunyagi para sa kanila
II
Sa rebolusyon sa paglipat ng siglo
Napakitang kamalayang Pilipino’y nabuo
Natanto na ang dugong dumadaloy sa kanyang ugat
Kaparehas ng dugo sa puso ng kapwang naghihirap
Nguni’t sa abo ay kailangang magpanday
Ng kinabukasang kalayaan ang siyang bumili
Ang nakalipas ay ibinaon na
Mga bayani’y mananatili na lang sa alaala
Koro
Kapatid mo’y nakalimutan
Binayaang malugmok sa kahirapan
Para saan pa
May hahatnan pa ba
Kung magpunyagi para sa kanila
III
Ang Pilipino ba ay nararapat
Na pag-alayan ng aking mga sugat
Pagpupunyagi ng ilang tao
Ramdam ba ng mga Pilipino?
Nagpatuloy ang gulong ng mundo
Nguni’t ano na’ng nagbago
Mga bayaning nag-alay ng talento
Pasasalamat ng dila lang ang natamo
Kung may tunay na isang layunin
Bakit bansa’y nais lisanin
Nagkulang ba sa mga bayani
Di ba’t ng pamana nila’y tinatamasa natin?
Sa baway buhay na maiaahon
O kaluluwang maiibsan ang hapo
Kamalayan ng pagka-Pilipino’y unit-unting lumalago
Di ka nag-iisa, marami kang kasama
Bayani mang walang gantimpala
Sa bayan ko ito ang aking pamana
Pati na ang aking gantimpala
Huling koro
Kapatid di malilimutan
Pilit aalisin sa lugmok ng kahirapan
Pagka’t nakikita ko na
Ang pamana ng iba
Mga pagpupunyaging para rin sa kanila
Sunday, September 4, 2005
Untitled
Ako ay isang halaman,/ Sa gitna ng pastualn;/ Madilim and kapaligiran,/ Naghihintay ng ulan.
Ni hindi ang ganda ng kalikasan,/ Ni hindi ang saliw ng musika,/ Ni hindi and pagsinta ng isang nilalang,/ Ni hindi and pagtanggap ng mga tao,/ Ni hindi ang pagtupad sa aking mga tungkulin...
Wala sa mga ito ang makapupuno sa aking pag-aasam sa Iyo, o Diyos.

Thursday, May 12, 2005
Untitled
Gumawa, bumuo, nagtayo,/ At sa puso'y ang Isa;/ Ngunit alam, di alam,/ Na sa di kalauna'y,/ Akin ring matatagpuan,/ Na ako na ay nag-Iisa.
Subscribe to:
Posts (Atom)