Tuesday, October 23, 2012

Wala nga bang Diyos?

Sa palagay ko, kadalasang nawawalan ng paniniwala sa Diyos ang tao kapag ito ay nasaktan o nakahanap ng ibang Diyos...
Kung tunay ngang walang Diyos, bakit tamang-tama lang ang bughaw na langit at mga ulap upang magdala ng kapayapaan sa puso?
Bakit tamang-tama lang ang distansya at init ng araw para magkaroon ng iba’t-ibang klima sa mundo?
Bakit tamang-tama lang ang ozone layer para hindi tayo magka-skin cancer?
Bakit tamang-tama lang ang bunga ng lupa para mabigyan tayo ng sustansya?
Bakit tamang-tama lang ang ulan para tumubo ang buhay?
Kung “freak of nature” lang talaga ang pagkaka-evolve ng tao, bakit sa ilang bilyong taon nang edad ng mundo (at dinami-rami ng buhay na gumagala sa ibabaw nito), tayo pa lang ang nakadamit?
Wala nga bang Diyos?