Saturday, December 31, 2005

Pamana (Isang Awitin)

I
Nuon ang buhay ng Pilipino’y kay simple lang
Alipin man, malaya man, o maharlika
Ang pagtutulungan, natural sa Pinoy ‘yan
Saan ka nga naman makakakita
Bayaniha’y di ba’t kay ganda?

Ngunit 300 taon sa dayuha’y napaalipin
Tila ba nagulo ang pagkamalay natin
Kultura ng iba’y niyakap at sinarili
Bumaba ang pagtingin sa kanyang lahi

Koro
Kapatid mo’y nakalimutan
Binayaang malugmok sa kahirapan
Para saan pa
May hahatnan pa ba
Kung magpunyagi para sa kanila

II
Sa rebolusyon sa paglipat ng siglo
Napakitang kamalayang Pilipino’y nabuo
Natanto na ang dugong dumadaloy sa kanyang ugat
Kaparehas ng dugo sa puso ng kapwang naghihirap

Nguni’t sa abo ay kailangang magpanday
Ng kinabukasang kalayaan ang siyang bumili
Ang nakalipas ay ibinaon na
Mga bayani’y mananatili na lang sa alaala

Koro
Kapatid mo’y nakalimutan
Binayaang malugmok sa kahirapan
Para saan pa
May hahatnan pa ba
Kung magpunyagi para sa kanila

III
Ang Pilipino ba ay nararapat
Na pag-alayan ng aking mga sugat
Pagpupunyagi ng ilang tao
Ramdam ba ng mga Pilipino?
Nagpatuloy ang gulong ng mundo
Nguni’t ano na’ng nagbago
Mga bayaning nag-alay ng talento
Pasasalamat ng dila lang ang natamo
Kung may tunay na isang layunin
Bakit bansa’y nais lisanin
Nagkulang ba sa mga bayani
Di ba’t ng pamana nila’y tinatamasa natin?

Sa baway buhay na maiaahon
O kaluluwang maiibsan ang hapo
Kamalayan ng pagka-Pilipino’y unit-unting lumalago
Di ka nag-iisa, marami kang kasama
Bayani mang walang gantimpala
Sa bayan ko ito ang aking pamana
Pati na ang aking gantimpala

Huling koro
Kapatid di malilimutan
Pilit aalisin sa lugmok ng kahirapan
Pagka’t nakikita ko na
Ang pamana ng iba
Mga pagpupunyaging para rin sa kanila

Sunday, September 4, 2005

Untitled

Ako ay isang halaman,/ Sa gitna ng pastualn;/ Madilim and kapaligiran,/ Naghihintay ng ulan.
Ni hindi ang ganda ng kalikasan,/ Ni hindi ang saliw ng musika,/ Ni hindi and pagsinta ng isang nilalang,/ Ni hindi and pagtanggap ng mga tao,/ Ni hindi ang pagtupad sa aking mga tungkulin...
Wala sa mga ito ang makapupuno sa aking pag-aasam sa Iyo, o Diyos.

Thursday, May 12, 2005

Untitled

Gumawa, bumuo, nagtayo,/ At sa puso'y ang Isa;/ Ngunit alam, di alam,/ Na sa di kalauna'y,/ Akin ring matatagpuan,/ Na ako na ay nag-Iisa.