I.
Ang masasayang araw ng kabataa'y tiyak na lipas na,/ Ang paglalakad sa panaginip ay di na maibabalik;/ Nagtapos na ang panahon ng kawalang pag-aalala,/ Pananaw ko sa mundo nagtila bagang puro pasakit!
II.
Unti-unting nabura idealismo sa aking isipan,/ Pinalitan ng mga pinagdaanan kong karanasan;/ Sa wari noon, bulong ng kalikasa'y pangako,/ Nguni't pinanaligang bukas pala'y puro pagkabigo!
III.
Kaya siguro pananampalataya ko ay nanghina,/ Masakit kung iisipin nadarama ko'y pagtataksil;/ Nguni't magtatag ka -- hindi kabutihan ang nagkasala,/ Pangako ay Pag-ibig, di ang kawalan ng paniniil.

***